BOSS IRONMAN: Triumph of an Underdog part 1/2

Triumph of an underdog

Maaga nagising dahil sa kaba at excitement na papalit palit.

null

Checkpoint 1 – QC Circle to Marilao

Inuna muna ng IMC Chairman ang Group of 5 participants at lalo itong nakadagdag sa kaba ko dahil sa bawat tawag nila ng participant, lalo itong nakadagdag sa excitement ko. Bawat isa nilang naise-send off, ibig sabihin din nito na palapit na palapit na rin ang aking moment of take off. Nang patapos na yung mga grupo, oras na para sa mga individual participants. Napakadaming kasali, napagitna ako sa pag take-off ng isa isa. Nakadagdag sa kaba ko ito dahil first timer ako pero wala akong pakialam because I know I’ve done my homework. Before the big day, nag scout ako ng mga route na nakakalito, nagpakundisyon ako ng motor – change oil, check lahat ng wirings, padagdag ng ilaw para sa daan sa probinsiya, etc, at higit sa lahat nagpahinga ng madami.

Ayan na mula sa pagpila ko sa likuran, palapit na ng palapit sa stage dahil isa isa nang pinapakawalan ang mahigit sa 500 na riders na sasabak sa 2016 BOSS Ironman Motorcycle Challenge. Nakakakaba, nakakaexcite, nakakapawis. Isang oras na akong nakasuot ng helmet at riding jacket at nakapila sa gitna ng mga dumadagundong na naglalakihang motor. 650cc lang na Kawasaki ang dala ko, karamihan sa kanila ay naka 1000cc pataas na Ducati, BMW, Aprilia tapos yung iba pa sa kanila e saktong sakto lang yung time limit na 24 hours para matapos, kayanin ko kaya? By this time, tapos na ang mga pagaalinlangan sa sarili ko dahil lagpas dalawang taon ko nang pinaghahandaan ito simula pa nung una ako mag cover ng send-off, dun pa sa Balintawak nung 2014. For me, the time is now. Buo ang loob ko, kaya’t makatapos man o hindi, ibibigay ko ang lahat.

null

null

null

Ayan na, malapit na sa stage. Naka ready na ang GPS ko na pipindutin ko nalang pagka flag off sa akin ng start time ko. Malapit na umakyat sa stage pero wala pa ako nakikitang kakilala. Aba minsay ko lang gagawin ito kaya dapat may remembrance man lang na picture. Ayun buti nalang nandun si Sir Al Camba sa stage nagkukukuha ng litrato sana makita ako. 9:56 na ng gabi ng ako ay mai flag-off ng marshall, napakalayo sa ini-announce at pinaghandaan ko na 8 PM flag off pero dibale na, kasama na siguro sa challenge yung pag aantay na ganun. Pagdating ko sa stage, napakadaming tao, nakakalula, para talagang national event. Napakarami ko nang na cover na endurance challenge like Motorally, M3, KRCP, Cannonball, pati na mga nakalipas na Ironman. Pero kakaiba itong 11th IMC, big time talaga. Pagka flag-off sa akin, ratsada kaagad dahil baka maiwanan ako ng isang sinusundan ko hanggang NLEX dahil kung sa North Avenue ako dadaan, kailangan ko pa dumaan sa napakaraming stoplight samantalang kung via Mindanao Avenue, iilan lang na tigil, traffic lang ang kalaban ko dahil Friday rush hour ang simula ng Ironman this year. Pagkalabas palang ng QC Circle e todo overtake na ako at harurot at nanghinayang pa dahil hindi ako umabot sa unang stoplight e 120 seconds yung waiting time so saying din lahat ng pagmamadali ko dahil yung mga inovertakan ko e umabot din makaraan ang ilang segundo. Tingin ako ng tingin sa GPS ko dahil ang goal ko is to keep my average speed at no less than 65 km/h para may buffer pa ako para sa kung ano mang aberya dahil kung ganon ang takbo ko, may apat na oras pa akong allowance. Pagpasok ng NLEX sa Mindanao Avenue, nagmaneho na ako ng parang wala nang bukas because every second counts. Laking tulong din ang nahiram ko na EasyTrip dahil hindi ko na kailangang pumila ng pagkahaba at pagkatagal sa tollgate. Ang balak ko di ako titigil hanggang checkpoint 3 which is in Aritao para makapagpondo ng oras. Pagdating ko sa unang checkpoint sa Marilao sa NLEX ay madami nang tao, at yung iba nakapila pa para makapagpastamp sa marshall. Sabi ko sa sarili ko sayang oras, pero yun at buti nalang may tumawag sa akin na isang marshall na walang ginagawa kaya ako una sa pila sa kanya. Pagkastamp ng passport ko larga na ako ulit. Yung sinusundan ko nga pala na si Mac ay naunahan ko na sa checkpoint pero pagdating sa San Fernando e naunahan na niya ako at di ko na siya nakita sa kabuuan ng Ironman, bilis kasi eh hehe. Yung takbo ko sa NLEX pumapalo hanggang 140 kph at yung maintaining speed ko ay hindi bumababa ng 110 kph, kailangan kasi dahil tulad nga ng sabi ko, need ko mag pondo ng time. Pagabot sa dulo ng NLEX, diretso ulit ako sa teller dahil sa EasyTrip pero pagdating na sa SCTEX, kailangan na pumila ng mahaba pero buti nalang may mabait na trak na nagbigay ng linya dahil mukhang naiintindihan naman niya ata yung pinaggagagawa ko sa Ironman. Pagpasok ng SCTEX sabi ko sa sarili ko isa na naman tong pagkakataon na makapagmabilis ng safe dahil one-way lang yung sa northbound so wala akong kasalubong so kahit anong mangyari e dire diretso lang ako. Reaching speeds of upwards of 170 kph, pagtingin ko sa GPS ko nag average na yung takbo ko, kasama lahat ng traffic at pagtigil, ng 80 kph which is a very good foundation for the remaining 1200 kilometers.

Checkpoint 2 -3– Tarlac to San jose
Ilang kilometero bago umabot sa pangalawang checkpoint naabutan ko na yung mga mamahaling Ducati kaya tuwang tuwa ako dahil nauna na nga sila ipa flag off sa starting line e naabutan ko pa rin sila. Mabuti nalang at na scout ko itong La Paz checkpoint a few days before the event dahil di pa ako nakapunta dito dati kaya posibleng maligaw ako. Ika nga nila, preparation is key. Pagkastamp sa akin nung marshall, nakita yung iba nagpipicture picture pa sa Ironman banner para dun sa online contest. Naisip ko sa sarili ko na ang gagaling naman nila at naaafford pa nila tumigil ng ganung katagal. Pero wala akong pakialam sa kanila dahil nagmamadali ako dahil disadvantage man yung motor ko kumpara sa motor nila, babawi nalang ako sa tiyaga at focus. So pasok ako ulit ng SCTEX papuntang TPLEX Pura exit na kung saan ginuhitan lang ako ng mga super sportbike na ang tantiya ko ay tumatakbo ng 250 kph habang ako ay nabibilisan na sa 150 kph lang na maintaining speed. Eto na ang notorious na daan na Pura-Guimba kung saan di mo maiiwasang mabulaga ng napakaraming malalim na lubak na kung saan ay pwede ka sumemplang. Buti nalang nagpatulong ako sa kaibigan ko sa Nueva Ecija na si Bing Bandong na maglagay ng warning signs sa mga sobrang lalim na daan. By the way, simula checkpoint 2 sa Tarlac, may isa pang mas maigsing daan sa bayan ng Zaragoza papuntang San Jose (checkpoint 3), kaya lang feeling ko mas mabilis ako kung matutulungan ako ulit ng SCTEX at TPLEX kahit na mas mahaba pa ito ng sampung kilometro.

Pagdating sa bandang Guimba, nagtataka ako kung bakit napakahaba ng daan na kung saan may kabukiran sa kaliwa at kanan ko, eh ang pagkaalam ko wala naman ako nilikuang kakaiba dahil nag recon ride naman ako. Inisip ko nalang baka iba lang talaga yung itsura ng daan kapag gabi kumpara nung bumiyahe ako ng tanghali. Dahil sa konting pagaalinlangan na ito binagalan ko ng konti dahil feeling ko naliligaw ako. Ayun kinalaunan ay tama rin pala tapos pagdating ng Talavera-Munoz intersection ay napakanan ako imbis na kaliwa, buti nalang naalala ko kagad na kaliwa pala dapat. After about 20 kilometers, umabot na ako sa San Jose City proper pero bago sumugod sa checkpoint ay planado ko talagang magpa gas sa ibang Petron na hindi checkpoint kasi naisip ko na sigurado ko na napakadaming tao sa checkpoint at lalo lang ako mapapatagal kung dun ako magpapagasolina. So ang ginawa ko mga 3 kilometers before the checkpoint ay nagpafull tank na ako dahil nga naghihingalo na yung gasolina ko. Pagdating sa checkpoint na nasa kabilang side ng road, yan nag clear na ng daan ang mga marshall at pulis – ang sarap naman ng pakiramdam parang VIP, pero ang totoo sobrang organized lang nitong Ironman this year. Upon reaching Checkpoint 3 which is San Jose, Nueva Ecija, ayun diretso ako sa malapit sa tent ng mga marshall. Busina ako ng busina walang lumalapit sa akin, yun pala ako ang lalapit sa kanila, hehe first timer lang kasi ako (although yung first 2 checkpoints naman kasi e ako yung nilapitan ng mga marshall). Nakita ko rin dito at bumati sa akin yung mga kaibigan ko from Eriel’s Cakes and Pastries from Science City of Munoz na nagchecheer sa akin at nagpapicture pa. Sa ngayon, nakaka 200 kilometers straight na ako at lagpas lang ng dalawang oras ang travel time ko. Pero pagtingin ko sa GPS ko bawat segundo na tinatagal ko para magpahinga ay siya rin naming pagbaba nito. Pero nauuhaw na talaga ako kaya uminom nalang ako ng baon kong tubig. Dala na rin siguro ng adrenaline yung pagka uhaw ko. Kahit na sobrang focused eh sinisiguro ko rin na hindi ako madedehydrate dahil alam ko mahaba pa ang biyaheng ito.

Checkpoint 4: Aritao
Papunta na ako sa sunod na checkpoint – ang Aritao. Hindi basta basta itong rota na ito dahil kahit na 76 kilometers lang ito, ito na marahil ang pinakamahirap dahil sa kurbada ng Dalton Pass. Checking my GPS, nasa 78 km/h pa rin ang average pace ko which is more than enough to finish within the time limit pero expected ko na bababa ito dahil sa mga kurbada dito. Tanggap ko na na babagal ako dito dahil nga paliko liko pero ang di ko ineexpect ay napakadaming trak dito kahit magmamadaling araw na. Kahit na mabagal lang sila at madaling overtake-an ay malaking hamon naman ang blind curves kaya’t di ko alam kung may paparating bang isa na naming malaking trak sa kabilang lane. At isa pang obstacle na kinaharap ko ay ang napakahahabang road repairs dito sa daan na ito mula San Jose, Nueva Ecija hanggang Sta. Fe, Nueva Vizcaya. Sana kung pangit lang ang kalsade eh, kaso ang problema ay ang tinatawag nilang “buhos” system na kung saan ay kinakailangan mong maghintay ng napakatagal dahil inuubos pa ang kabilang lane bago ka papayagang paandarin. Desperate times call for desperate measures kaya nung naabutan ako ngayon dito na nagaantay sa stop and go ng mga BMW 1200 na inunahan ko sa kurbada, ang ginawa nila ay nag ala-Kamikaze at sinugod yung one-way na daan at dahan dahang sinalubong ang mga naglalakihang trak hanggang maging okay na ulit ang daanan. Napakalaking tulong din pala ng LED lights ko – isang pares ng 18 watts at isang 30 watts dahil ito ang nagsilbing gabay sa napakadilim na daan dito sa kabundukan. Delikado din dahil medyo steep ang mga pababa papuntang Sta. Fe. Pagdating naman ng Sta. Fe ay medyo diretso na kaya nakabawi ng speed pero siguro ilang kilometero bago ang Aritao ay nag build-up ang traffic at wala talagang gumagalaw. Na delay ako siguro ng mga 20 minutes dito, no choice mag antay. Nang makalusot na ay dire diretso na sa Aritao checkpoint. Pag dating dito, nakaramdam na ako ng matinding gutom. Huling kain ko ay 278 kilometers ago pa. Pag ka gamit ng comfort room ay dali dali akong bumalik ng motor para magpa stamp ng passport, at dahil gutom naghanap ng makakain. Iniisip ko kung kakain nga ba ako dahil sayang ang oras at nakabalot pa sa plastic sa Givi box ko yung mga baon kong sandwich so magbubukas pa pala dapat pero buti nalang at maraming salamat din sa mababait na tao sa Aritao checkpoint na nagbigay sa akin ng Lugaw. Dali dali ko itong ininom (yes ininom, hindi kinain dahil sa pagmamadali) magkalaman lang ang tiyan. Wala pa atang 2 minutes nalunok ko na lahat ng nasa lalagyan at nagmadali na naming umalis papunta na sa susunod na probinsiya, at ang isa sa mga nagbigay ng kaibahan sa Ironman 2016 – ang probinsiya ng Quirino.

null

Checkpoint 5 Quirino

Isa sa mga nagpa unique sa Ironman this year ay ang pagdagdag ng probinsiya ng Quirino. Dahil gustong gawin na festival talaga itong taunang event, lahat ng madadaanan na probinsiya ay involved. Medyo smooth naman ang daan simula Aritao papuntang Quirino kaya’t mabilis kong natapos ang 92 kilometer distance nito. Pagpasok sa pakanan sa may Cordon, Isabela patungong Quirino, dire diretso lang at napakaganda ng kalsada sa gitna ng bukid. Although di pa ako inaantok nito dahil sa taas ng adrenaline ay masasabi kong nakadagdag ng pagka excite ko pa ay yung mga tao na nakalinya sa tabi ng kalye na todo pag cheer sa aming mga participants. Lahat din ata ng mga pulis at barangay tanod ay nasa mga kanto kanto para magbigay direksiyon sa mga rider para di sila naligaw. Isa pang nagustuhan ko dito sa Quirino ay ang checkpoint nila. Napaka lively at ganda ng design. At kahit pa lagpas madaling araw na ay buhay na buhay ito at ang lakas ng sounds nila na nagpapatugtog ng mga native na kanta. Talagang ma fe-feel mo ang kultura nila. Nagpa stamp lang ako ng checkpoint, uminom ng konting tubig at sumubo ng isang pirasong pandesal at larga na ulit. Papuntang Isabela checkpoint nang bigla nang bumuhos ang ulan. Itutuloy ko ba ito o titigil ako?

To be continued…

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

One thought on “BOSS IRONMAN: Triumph of an Underdog part 1/2

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *